Pag usapan naman natin ang DOUBLE STANDARD dito sa atin. Ang sinasabi ko ay ang sistema dito ng hustisya. Kapag ikaw ang biktima at mayaman ka, mabilis pa sa alas kwatro, may task force at special committee na buuuin ang gobyerno para sayo. At kung mahirap ka, maghintay ka kung may libreng husgado at abogado na hahawak sa kaso mo. Wait for a moment -- mga 10 years. Tulad sa Maguindanao case, umabot pa ng 3 days bago maposasan ang prime suspect na si Mayor Andal Ampatuan. Swabe.
At kung ikaw ay suspect sa isang krimen, may kasalanan ka man o wala, agad kang ikukulong at maghihintay kung kailan ang hearing mo. At kung mayaman ka, yung selda mo may colored TV. Dala-dalawa pa ang abogado mo. At kapag nagkasakit ka, at kung mahirap ka, bahala ka sa buhay mo, mamamatay ka sa likod ng rehas. Kung mayaman ka, matusok ka lang ng fishbone, itatakbo ka agad sa clinic. Hihilingin pa ng abogado mo na ilipat ka ng selda. Yung may aircon. Swabe.
PHILIPPINES -- hango sa pangalan ng hari ng mananakop na Espanya. Haring PHILIP. Pangalan pa lang alipin na. Ok lang naman na yun ang ngalan ng bansa natin pero ang masakit, pinapatunayan pa natin ito. Alipin ka Pilipino. Alipin ng sarili mong pag unawa. Sarado at walang laya.
Masakit man pero yan ang katotohanan. Alam natin ang totoo pero wala tayong ginagawa para baguhin ito. Ito ang sakit nating mga Pilipino na kailanman wala nang lunas. May mata naman tayo pero bulag tayo.
PERMISSION TO SPEAK. Freedom. Justice. Democracy. Bawat tinta, may kuwentong magsisimula... "Hindi ako kasing astig ni Bob Ong. Hindi ako kasing angas ni Eros Atalia. At lalong hindi ako kasing bangis ni Lourds de Veyra. Pero gagamitin ko ang mga salita para makausap ka, para kahit papaano ay matauhan ka."
3.03.2011
DIVIDED PHILIPPINES (part I)
Ilang beses na ba tayo tinapakan? Ilang ulit na ba tayo niragasa at pinaluhod? Oo nga at nagkaisa tayo nung kasagsagan ng martial law. Pero tapos nun, wala na. Nagkawatak watak uli tayo nung panahon ni Pres. Erap. At ang kapal ng mukha natin na tawagin ang EDSA DOS at EDSA TRES na people power(s)... Na Kung tutuusin ang mga nasa likod ng dalawang pag aklas ay mga buwayang uhaw sa kapangyarihan. Di tulad ng EDSA 1 na may iisang adhikain.
Madalas pulitika ang ugat ng mga karahasan dito sa Pilipinas. Tulad na lamang ng Ampatuan Maguindanao Massacre na resulta ng kabobohan ng mga Ampatuan sa Mindanao. Na hinayaan ni Gloria Arroyo na magkaroon ng private army. At hindi rin naman dito exempted ang mga Mangudadatu. At sa palagay ko, di man ito tumugma sa pananaw mo kaibigan, wala na talagang pagkakaisa dito sa atin.
Isipin mo na lang -- sa gobyerno natin, may tinatawag na Pro Administration at Oppositions. Doon pa lang ay wala nang unity. Dahil ang bawat salita ng mga taga Pro ay kakalabanin ng mga Opposition. At vice versa. Kaya wala tayong nabubuong pagsulong. At may political parties pa na kung saan ang mga pulitiko ay may loyalty pa kaysa loyalty sa masang Pilipino. At ang mga magnanakaw dito sa atin ay kinakabitan pa ng HONORABLE sa pangalan.
At kung iisipin mo, ang pulitiko sa pagdating ng eleksyon, laging bukambibig ang PUBLIC SERVICE. Pero pag naupo na ay parang hari. Tulad na lang sa nangyaring meeting ng Sangguniang Panlunsod dito sa Iloilo city. May isang Board Member na nagreklamo. Sabi nya, bakit daw siya kinokontra ng mga constituents niya gayong marami siyang projects at natulungan. Sa pagkakataong iyon, isang member din ang tumayo at sabi, bakit siya nagrereklamo eh ‘yan nga ang trabaho nya- Public service. Bakit siya naghihintay ng kapalit? Bobo di ba? Simple lang naman eh-- Political will. Kung wala ka nun, wag ka na lang tumakbo sa pulitika. Magiging pasanin ka lang.
Pero hindi lang naman sa pulitika ang mga lamat kung bakit walang unity dito sa atin. Sa ating pagiging mamamayan meron din. Sa kabataan, lalo na. Tulad na lang sa music genre. Musika- di ba dapat isa itong libangan? Pero bakit nagiging gatilyo ito para pumutok at umapoy ang bawat damdamin natin? RAKISTA ka, HIPHOP ka. Dyan ka lang, dito ako. Dahil sa genre ay nag aaway tayo. Lagi natin pinagtatalunan kung sino ang astig. Di ba mababaw?
At kahit sa TV lang, may network war din. KAPUSO at KAPAMILYA. EAT BULAGA at WOWOWEE. MARIAN RIVERA at ANGEL LOCSIN. Ang babaw. Ok lang naman na may paborito tayo. Pero kung ito ang magiging mitsa para yurakan natin ang kapwa natin, wag na lang. Tumalon ka na lang sa apoy. Pati nga sa movie industry may kabuktutan din. Yung mga pelikula sa hollywood ginagaya natin dito. Wala tayong matatawag na originality. Meron naman tayo nun ‘di ba? Kulang lang sa pansin at pag-iisip.
At sa palagay ko, ang mas malala ay ang RELIHIYON. Muslim. Kristiyano. Nagkakamatayan. Nagkakasagupaan. Pareho pareho naman tayong Pilipino. Kapwa mo Pinoy tinatapakan mo. Iisa ang Diyos natin. Yahweh. Allah. Biblia. Kor'an. Wag tayong humusga. Palaganapin natin ang magandang balita. Iisa lang ang langit natin. Pag usapan natin ang kapayapaan.
At sa loob ng KRISTIYANISMO. Lumalagablab din ang apoy. Ewan ko ba kung bakit sinisiraan ng mga Protestante, INC, at ibang sekta ang Katoliko. Ano ba ang masama sa Katolisismo? Kaligtasan ang usapan pero sa isipan mo ay karahasan. Bakit di ka makinig para ikaw din ay mapakinggan? Subukan naman natin pagtulung-tulungan.

Subscribe to:
Comments (Atom)