12.07.2012

To My Fellow Youth


[Para sa Aking Mga Kababatang Isinilang noong Dekada Otsenta, Dekada Nobenta at makabagong Panahon.]

Mag-aral ka.
Ulitin. Mag-aral ka.
Read my words. MAG-ARAL KANG MABUTI!

Wag mong sayangin ang pagkakataong makapag-aral. Maraming kabataan ang walang oportunidad na ganyan. Isantabi mo muna ang pagpapacute mo sa mga crushes mo, wag mo munang isipin kung paano ka magiging sikat sa eskwelahan nyo o sa barangay nyo, darating ka din dun. Wag ka munang magmadali na magka gf o bf, maniwala ka, kapag pro
fessional ka na, magsasawa ka. Stop muna sa mga bagay na walang kwenta. Tulad ng pag-inom ng alak, paghihithit ng sigarilyo, ng marijuana, ng solvent, ng shabu, ng tambutso at cough syrup. Hindi ka magiging "in" sa ganyang patakaran sa buhay, magiging inmate ka lang.

MAG-ARAL KA. Kulang kulang lang sa twenty years mo lang yan gagawin. Pero pag di mo ginawa yan, ilang dekada ka gagapang sa lupa bilang mal edukado, gago, gaga, tanga, ignorante at walang silbi! Inutil.

Saka na ang saya. Magsakripisyo ka muna. Ngayon, kung sasabihin mong kaya ka nagbubulakbol at gumagawa ng katarantaduhan dahil walang panahon sayo ang mga magulang mo, wag kang adik. Oo, andyan ang mga kaibigan mong "laging nakikinig" pero isipin mo, hanggang kailan? May natutunan ka ba sa kanila maliban sa kung paano tumagay? Ang mga magulang mo, sa katapusan ng mundo, ikaw pa rin ang nasa isip nila at KAPAKANAN MO ANG INIINTINDI NILA.

Kuha mo?
Higit sa lahat, manalig ka, magtiwala ka, kumapit ka, at kilalanin ang kayang gawin ng kinamulatan mong Diyos. Wag mo siyang sisihin sa mga kapalpakan mo sa buhay. Dahil, aminin mo man o hindi, ni minsan, hindi mo sinubukang lumapit sa kanya dahil nalason na ng kapitbahay mong atheista ang utak mo, na walang Diyos, na walang tagapaglikha, na walang makapangyarihan, na di ka dapat umasa sa di mo nakikita. Wag kang maniwala sa kapitbahay niyo. Madalas tsismis lang ang kayang gawin nila. Manalig ka, hinihintay ka lang niyang tumingala at humingi. Hindi siya madamot, mas galante pa yan kay Santa Klaws.

Kaso, hindi Niya agad yan ibibigay. Ano ka hilo? Magsumikap ka. Paghirapan mo. Pero hindi na aabot doon sa sobrang miserable ka na. Hindi Siya ganoon. Ibibigay Niya ang gusto mo, sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon. Kung ganap ka ng tao, kung ganap na ang pagpapakatao mo. Kung karapat-dapat ka na sa hinihingi mo.

Walang imposible sa kanya. Si Michael Jordan, si Kobe Bryant, Lebron James at Dwayne Wade, nakaya nilang lumipad kahit wala silang pakpak. Si Andres Bonifacio, natuto sa mga libro, naging bayani dahil nagsumikap na makapag-aral sa kabila ng kahirapan. Iyong kasabayan ko sa elevator kamakailan lang na mukhang nerd at wala man lang bestfriend sa barangay nila, nabasa ko sa news, chessmaster pala.

Hindi mo kailangang i-advertise ang sarili mo, gawin mong mabuti ang quality ng pagkatao mo at kusang lalapit ang mga kliyente at uunlad ka. Hindi nadadaan sa pagsuot ng varsity jacket at tabinging cap ang mabigyan ng respeto. Dapat chillax ka lang. Walang pake ang mundo sa'yo, totoo, at di mo kailangan hingin ang approval ng sambayanang Pilipino o kahit ng dabarkads mo lang para mapatunayang tao kang dapat bigyan importansya. Bigyang halaga ang pagkatao mo at rerespetuhin ka ng buong mundo.

12.06.2012

Minsan naging Makata si Mr. G

[Mga Quotes na Tinipon Mula sa Facebook]

"Kung nabigo ka man sa una, wag mong ikumpara ang pangalawa."

"Kapag college ka na pala, nagiging waterproofed ka na."


"Malalaman mo na lang na mali ka, kapag pumalpak ang inaakala mong tama."

"Mas nakakapagod ang maglaan ng lakas, panahon at sarili sa mga taong wala man lang appreciation sa mga ginagawa mo."

"Minsan, ang pagiging matalino ng tao ang nagiging sanhi ng kanyang pagiging bobo."

"May mga bagay na kahit magkaiba ay nakatadhana. Parang pizza, bilog naman, pero square ang sisidlan."


"Di na dapat binabalikan ang nakaraan. Bakit, time machine ka ba?"

"Dapat kung gaano ka kasaya noong kayo pa, wag mong hayaang mawala 'yon kahit wala na siya. Minahal mo siya noon, mahalin mo rin ang ngayon."

"Ang love ay hindi laro. Walang dapat na panalo, wala rin dapat na talo."

"Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo sa kanya? Alam mo nang mapapaso ka sa kumukulong tubig, hahawakan mo pa para lang patunayang mainit!"

"Shit. Puta. Fak U. Ano pa ang kaya mong i-post sa facebook at twitter? Ang totoo hindi ka naman ganyan. Gusto mo lang maging astig-astigan. Mas masama ang tabas ng dila, este, letra, mas astig ka. Pero kung iisipin mo, ang fb at twit twit ay mga social media--socializing, hindi degrading."

"Hindi porke marami ka nang naging syota, maganda ka na. Ang totoo, habang ang syota mo ay parami ng parami, ikaw naman ay padumi ng padumi." 


"Sabi, para sa kanya ii-give up mo lahat. Eh ano pa ang ibibigay mo sa kanya kung walang wala ka na?"

"Kahit ang pinakamabuti o pinakaduwag na tao sa mundo, kapag sinaktan mo, natututong lumaban at maging mabangis. Kaya ingat lang."

"Wag kang mawalan ng pag-asa, yun na lang ang meron ka."

"Sana lang matutunan mong tanggaping hindi lahat ng fairytale ay nauuwi sa happy ending. Alam mo ba yung Romeo at Juliet?"

"Hindi totoong nakamove on ka na. Kasi apektado ka pa sa bawat reaksyon niya. Kung totoong nakawala ka na sa mga alaala niya, di mo na ipopost sa fb kung ano ang reaksyon niya ng makita ka niyang tumatawa sa company ng iba. Hindi na dapat importante sayo ang lahat tungkol sa kanya. Di ka nag move on. Tumatambay ka pa sa kanto ng love story niyo!"

"May darating pang mas okay kaysa kanya. Pero kung nagmamadali ka, sige, bahala ka. Masokista ka naman di ba?"

"Kaya nga may waiting shed di ba? Para may option ka para maghintay."