3.19.2013

PARA SA MGA GA-GRADUATE NGAYONG 2013




Congratulations at magsusuot ka na ng toga. Ilang hakbang na lang at haharapin mo na ang mas mabigat na laban--ang buhay sa labas ng eskwelahan.

Pero pasintabi sa mga valedictorian, salutatorian, mga cum laude, lalo na sa mga Summa cum laude--hindi ito para sa inyo.

Ang sasabihin ko ay para sa mga magtatapos na walang medalya. Ito ay hindi lamang isang tapik sa kanilang mga balikat.

Para sa inyong mga ga-graduate na walang honors, saludo ako sa inyo. Sa kabila ng mga paghihirap niyo sa pagpasok sa araw-araw habang lumalakad na walang ulo, walang pumapalakpak, nasisita ng guro dahil walang maisagot sa mga tanong nito, walang pumapansin na mga kaklase, laging naisasantabi at pagiging average student niyo, andiyan pa rin kayo, hindi sumuko at nag-aral pa rin. Hindi niyo hinayaang lamunin kayo ng bulok na sistema. Ang paniniwalang ang mga matatalino lamang at achievers ang may karapatang huminga sa mundong ito.

Hindi kayo bobo. Wala lang talagang nakaka-appreciate sa kaya niyong gawin. Higit sa lahat, kinulang lang talaga kayo sa confidence. Pero hindi ko sinasabing iyon ang dapat na inaasal ng isang tao. Sa pagtatapos niyo, subukan niyong maging magaling. Kaya nila, kaya niyo rin.

May mga kilala akong mga may awards noong grumadweyt kami pero nasaan na sila ngayon? May summa cum laude na cashier sa isang supermaket. May Valedictorian na promo girl. Kita niyo na?

Hindi ko sinasabing walang kwenta ang mga trabaho nila. Pero kung ikukumpara sa mga achievement nila, dapat mga manager na sila ng magagandang kompanya. Kaya ikaw na walang medalya, wag kang mawalan ng pag-asa. Hindi dahil sa iyon na lang ang meron ka, kundi dahil hindi pa naman ito end of the world.

Napakalawak ng mundo. Kung hindi ka nabilang sa eskwelahan mo, subukan mong mabilang sa larangang papasukin mo. Pero huwag mo itong gawin para sa mga umalipusta sa'yo, gawin mo ito para sa sarili mo. Wala kang utang sa kanila.

Mangarap ka, abutin mo. Wala sa dami ng awards at papuri ang humuhubog sa isang tao. Ang pananaw mo ang huhulma sa pagkatao mo. Talunan lang ang sumusuko.

Manalig ka sa Diyos. Magtiwala ka sa sarili mo. Take your time. Huwag magmadali. Hindi marathon ang buhay. One step at a time. Darating ka din sa gusto mong mapuntahan.

Sa muli, congrats! Ga-graduate ka na.

IT'S JUST A LITTLE CRUSH


Kaya nga crush ka niya kasi humahanga siya sa'yo. Baka naman maganda ka para sa kanya, mabait, irresistible o malay mo talagang may something ka na wala sa iba.

Bakit ka ba nagagalit? Alam mo na ang crush ay hindi naman talaga nangangahulugang mahal ka na niya. Na gusto ka niya pakasalan. Maaring doon nga papunta 'yon. Pero as of the meantime, simpleng paghanga pa lang 'yon. Di mo siya kailangang ipabugbog sa mga kuya mo o ipa-assassinate. Di rin kailangan ipahuli sa mga kolokoys in uniforms.

Pwedeng chillax ka lang at hindi naman 'yan nangangagat.

Iba ang crush sa obsession. Ang una ay pagsabi ng "masarap ang tsokolate", ang pangalawa ay "masarap ang tsokolate, pwede isa pa, at isa pa?"

Pero kung talagang naaalibadbaran ka sa pagmumukha niya, ito ang mga pwedeng sabihin at gawin:

1. Sorry, may boyfriend/girlfriend na ako, hindi ko pa nga lang nakikilala.
2. Okay lang na humanga ka, pero dyan ka lang, dito ako.
3. Okay, crush din kita, di nga lang ngayon... next week na lang. Sabihin ito sa kanya araw-araw.
4. Kung talagang makulit, ito pagawa mo: paubos mo sa kanya ang isang kaing ng pakwan... pero sabayan ng isang case ng coke.
5. Ipadala sa China. Pagbalik dapat atin na ang Scarborough.

Lahat ng ito ay dapat daanin sa diplomasya. Tao rin sila, medyo di nga lang halata