12.11.2011

Youth Mass 1st Anniversary

Parish of Nuestra Señora del Pilar Youth Ministry


"If we think of the youth, we think of the future."

These were the words of Fr. Jose Alex Serania, Parish Priest of the Parish of Nuestra Señora del Pilar, during his Homily.

The mass was the initiation of the celebration of the Parish's 1st Anniversary of their Youth Mass, which was initiated on December 12, 2010. The youth mass is a service of the Catholic Church to the youth.

"Real joy can only be attained if we reconcile with God."
- Fr. Alex Serania

Indeed, joy sprang from the hearts of those who were present, savoring the the youthness of the moment. Where all faces were pictures of contentment and hope.
peace be with you

The second part of the celebration, in the afternoon, was a recollection. It was a mixture of talents, reminiscing, meditations and inspirations.

The closing song was an animation of the CBCP Year of the Youth Theme Song "Make A Stand", where everybody, both the young and the olds, and of course the ever energetic Fr. Alex Serania, danced like it was just yesterday.

Happy ending. Well, a great beginning.

Next in line was a total showcase of young talents in the "Talentadong Parokyano" that displayed an awesome enthusiasm of the youth-- the smiles, the laughters and the camaraderie that painted a world full of lasting and meaningful pride.

In the evening, both young and young at hearts stood up from their seats and jumped, sung and heralded at the "Praise Jam"-- a mini concert of praises to our dear God.

The day id over, but the journey continues....

Now, let me tell you my personal encounter.

A new friend of mine, a co-member at the Commission of Jaro Achdiocese in Youth Apostolate (CJAYA), Rae Rae told me after the CJAYA monthly meeting at the Archbishop's Palace in Jaro that the Parish of Nuestra Señora del Pilar Youth Ministry will be holding it's 1st Anniversary of their Youth Mass the next day and invited me to come and witness.

I was hesistant at first because there was an important matter that have to be attended on that very day. But, something made me come, nonetheless. Maybe of good riddance.

We came just in time for the mass. Ushering us were ladies- pretty ladies- in red shirts with "Youth Ministry" letterings printed on them. There were lots of red shirts, telling us who were and who were not members of the Ministry.

The smiles were reliefs from the long, bumpy drive from the highways.

It was a meaningful moment. Fr. Alex once said during his Homily, "It will always be a journey towards God."

And my journey began. A journey of joy-- a sweet  secret unfolding in my very eyes... and heart... and soul.

As the mass goes on, I randomly glanced at the faces of the people in red shirts. There was one common sight-- this fellowship is a community without strangers.

Yes, in the silence of my moment, my soul was filled with belongingness. Even if I was new there, these people let me feel like I was one of them. A silent solace of acceptance. A feeling so rare that it was almost an early Christmas gift laid upon my table.

And my decision to come, to witness was undeniably perfect!

During the Recollection, which followed the Mass between noon break, inspirations flooded the atmosphere, giving me the passage back to when I was just starting to become an ordinary youth ministry member-- the time of knocking to the door of hope and belonging.

Every minute, as I spend them in a corner, watching them celebrating, I could not help myself to think that somehow, in this crazy, dubious planet, a community, a small group of young souls, is trying to build a world free of despise, loathe, egotism, procrastinations, negations and ill pride. Creating a sphere, a universe within themselves, of hope, love, sweet pride, and standing firm in their faith, which tells me, "Hey, this is something to be proud of." An inspiration to be mirrored by those minds that were lost in the glitters of prestige, fame, titles, positions and political greatness.

This Youth Ministry should be a sole example of what a church should be. Of what a Youth Ministry must be. Of what a world should be. A society that cares more to those who are just trying to get through their lives. A church not of complex laws but of simple yet pleasant understanding of the welfare of the Youth.

There. What more can I say?

Really, the experience was a one-time shot to solace. Glad I was able to come.

Thank you Fr. Alex for such great Youth Ministry. Thank you Ma. Elena, the youth coordinator, Kate, the ever miss congeniality, and Bambi or Realyn (tama ba spelling ko, hehe, and salamat samatamis na ngiti) for such muy bien time with you!

I wish good luck to your Ministry. Sana magtagal at huwag mabuwag. Always be good friends to your brother and sisters. Don't stop caring for each other. Don't stop inspiring people. Stay together and make the fire bigger. Capitalized in the power you have in numbers.

Whatever happens, anumang pagsubok, wag kayong bumitaw. Don't give up. Be strong. Stand firm in the faith.

9.12.2011

Katapusan ng Isang Pangarap


"Nabaton mo ang roses?"
"Yes. For what?"
"Personal ko to tani nga ihatag sa imo pero wala ka man. Amo nga ginpadala ko na lang kay pards basi malaya."
"Okay."
"Obvious naman di ba? I've keep it for a year na. I just want to let you know how much I love you. I'm taking risk. Ang importante napabalo ko sa imo ang feelings ko."
"Thank you. But I prefer our friendship."
Patlang. Isang mahabang patlang.
"Sorry."
"Okay lang. Sanay na ako sa rejections. I saw it coming. But it's worth the risk. Nevermind me."
"Untati na lang. Do not hurt yourself."

End of conversation.

Sa text lang yon pero parang kaharap ko siya. Damang dama ko ang sakit. Ang bawat kataga ay parang balang unti-unting pumapatay sa akin. Ngunit ano nga ba ang magagawa ko? Hindi ko hawak ang pagkakataon.

Masakit mapaglaruan ng tadhana. Ewan ko kung bakit ganito ang buhay. Kung sino pa ang gusto mo ay siya pang may ayaw sa'yo. Oo, hindi ako gwapo. Pero ayaw kong tanggapin sa sarili kong pangit ako. Creation ako ni God. Walang ginawa si God na pangit.

Pagbigyan niyo na ako. Sige na. Moment ko'to.

Factor din siguro ang mukha kong hindi kagwapuhan kung bakit 'di niya ako masikmura, este, matanggap. O baka naman dahil mas mataas ang antas ng kanyang pinag-aralan. Kumbaga, kung susumahin, malayong- malayo ang buhay ko sa buhay niya.

Simple lang naman akong tao. Maong na kupas, bulsang walang laman kundi isandaan..... Walang kotse. Walang magarang gamit. Ang tanging meron ako ay ballpen at papel- kung saan nakatago ang aking damdamin; at isang pusong nagmamahal lang.

Pero saan nga ba nasusukat ang isang tao para mahalin siya? Nakakapraning na katanungan.

Basted- isang salitang tangan-tangan ko sa aking dibdib ngayon. Okay lang sana kung ginawa ito sa akin ng crush ko lang. Makakaya ko pa. Pero ang hatol ay nagmula sa babaeng mahal ko. Ah, hindi, mahal na mahal. Masakit. Sobrang sakit. Masyadong nakakababa ng pagkatao. Nakakamatay. Parang lason na pinahihirapan ang kaloob-looban mo ng sobra-sobra. Para akong binitay ng ilang beses. Tila nahulog ako sa napakalalim na bangin at pagbagsak ko sa pinakadulo, lintek, buhay pa ako.

Pero masisisi ko ba siya? Hindi. Walang may kasalanan. Biktima lang ako ng tinatawag na sirkumstansiya. Nahulog ako sa bitag ng mapagkanulong pag-ibig.

Subalit wala akong pinagsisihan. Alam kong mangyayari ito. Ganoon naman talaga 'di ba? You win some, you lose some. Ang importante lang, kung paano natin tatanggapin ang resulta ng mga ginagawa natin. Okay lang sa akin ang nagyari. Tanggap ko naman eh. May mga pangarap na hindi natutupad. Masakit ang mabigo pero dapat kayanin. Mahal ko siya at handa kong pakawalan ang lahat para sa kanya. Kahit ang sarili ko pang kaligayahan. Ang mahalaga ay siya. Kung ano ang makakapagpaligaya sa kanya. Kung ano ang nais niya. I'm letting go dahil iyon ang gusto niya. Iyon ang kagustuhan ng tadhana. Ang maging masaya siya at masaktan ako.

Sabi nila, kung magmamahal ka huwag mong ubusin. Baka daw kapag dumating ang "right one" mo, wala ka nang maibigay. Dahil wala nang natitira para sa sarili mo. Pero para sa akin, pag nagmahal ka, ibigay mo ng todo. Iyong buong-buo. Dahil doon mo lang masasabing "nagmahal ako". Ibuhos mo. Wag mong tirhan. Dahil minsan ka lang magmamahal ng totoo- lubus-lubusin mo na.

Masakit tanggapin ang katotohanan. Pero kailangan. Para lumaya ang pusong sugatan. Kapag nagmahal, huwag kang bumitaw. Hold on until you can no longer bear the pain. Dapat alam natin kung kailan bibitaw. Kung kailan isusuko ang laban. At mula sa pagkakadapang ay matutong bumangon.

Move on.

Mahirap. Napakahirap pero dapat gawin.

At ako? Pagkatapos ng masalimuot na pahina ng aking kwento, saan nga ba ako patungo?

Sa ngayon, hindi ko pa alam. Buong-buo ko ibinigay ang pagmamahal ko, walang natira sa akin. Hindi, hindi ito nasayang. Bagkus ay naging daan ito para para makilala ko ang tunay na ako. Kung hanggang saan ko kayang magsakripisyo. At nalaman ko- kaya ko. Umibig ako ng totoo. Sapat na iyon. Sapat na ang minsan ay mabigo para masabi kong hindi bato ang puso ko.

Hanggang kailan ko makakaya ay hindi ko alam. Ang mahalaga ngayon ay ang sakit na nararamdaman ko. Hindi dahil sa adik lang ako kundi dahil sa pamamagitan nito ay aking maaalalang minsan ay nagmahal ako ng tunay. Isang pag-ibig na buong-buo. Walang hinihintay na kapalit. Hindi hinog sa pilit. Pag-ibig na handang magsakripisyo.

8.09.2011

The Cultural Center of the Philippines (CCP) "Kulo" Exhibit Controversy: an Insight



The Cultural Center of the Philippines (CCP) art exhibit "Kulo" by Mideo Cruz shakes the entire Christianity.

  • a religious image of Jesus Christ. Attached to the religious image is a wooden replica of the male genital protruding toward His face. The male genital replica is draped with the Rosary, hanging by the base and top of the replica. To a crucifix is attached a red male organ.


  • a similar religious image of Christ, where His eyes are darkened by black ink which appears to flow out from the eyes.


  • a crucifix and cross draped with a pink, stretched-out condom.


  • various religious images and pictures of Christ, Mary the Mother of Christ, Holy Family, saints, and the rosary — all closely surrounded and placed beside pictures of women who appear to be modeling for underwear or a skin product.


  • a picture of Christ’s disciples surrounding a dark silhouette of Christ in the middle. Right above the facial portion of the dark silhouette of Jesus Christ is a drawing resembling the icon of Disney’s Mickey Mouse.


  • a religious statue of Christ seated. Attached to the tip of His nose is a red ball. Above His head is an imposed pair of red ears the same as Mickey Mouse icon.




Artist Mideo Cruz talked about his art installation "Poleteismo" at the Cultural Center of the Philippines in Manila last July 29. Cruz said his work is about the worship of relics and how idolatry evolves through history and modern culture. 




Art is boundless they say. Yes, true enough. People behind this exhibit said that such presentation is a case of Freedom of Expression. But, I think this kind of mindset is a total obscenity. We should know that everything must have exception. We need to recognize. We need to distinguish the right from wrong. Such statement by the CCP officials is a disgrace. Aren't they all well-educated to know what is good and what is not?


Doing such fairing is an attack to Christianity. We should respect God. Remember the Ten Commandments?


"And when the thousand years are ended, Satan will be released from his prison." Revelation 20:7


Is this a premonition of this passage? We are in the new millennium my friends. Think again.


(Credits to GMA News 7)

7.28.2011

Isang Paglaya


Sa pagpatak ng ulan, sa pag ihip ng malamig na hangin, at sa pagsipol ng alas siyete ng gabi, nagbanta ang isang paglaya.

Paglaya sa ano? Isang tanong na agad mong maiisip. Huli ka, isipang palaisip!

Matagal bago ako namulat sa katotohanan. Kaytagal kong nakulong sa isang mundong walang dulo. Sa kwartong walang pintuan. Kung saan walang liwanag na maaring manahan dahil pinaghaharian ng dominanteng kadiliman.

Sakaling hindi mo na kayang maghintay pa, akin nang isusulat  sa mukha ng blankong papel ang inaasam- asam mong kasagutan. Upang magkaroon ng laman ang basong said sa buhay.
Paglaya – isang salitang puno ng damdamin. Isang realidad na aangkinin ng isang pusong nakakulong sa malamig na pag-ibig.

Tulad ko.

Siya , tawagin na lamang nating “Siya” ang babaeng puno’t dulo ng usapang ito, Siya, Siya at Siya. Maganda siya. Mabait. Isang babaeng hahangarin ng isang lalake. Sa simpleng salita- pangarap. Pero paano nga ba magtatagal ang isang pusong walang nadarama? Mahal niya ako pero hindi ko ito kayang tapatan. Dahil walang tibok para sa kanya. Matagal – apat na buwan at labimpitong araw- bago niya ako tinalikuran. Dahil malamang nasaid na ang pag-asa sa paghihintay niya sa akin sa waiting shed ng pag-ibig.

Sabihin mo nga kung hangal ba ako dahil nandoon na pero pinakawalan ko pa? Bakit, bakit at isang malaking bakit kung bakit ko nga ba siya hindi kayang mahalin. Sagot ko – natuturuan ba ang puso? Hindi. Dahil hindi natin hawak ang tibok ng bawat pagdaloy nito.

Hindi ko sinasadya. Patawad.

Paglaya – isang salitang may kaakibat na sakit. May bahid ng isang masalimuot na pag-ibig.

7.04.2011

Ulan

Umuulan na Naman. Walang magawa. Bato ang utak ko. Kasinglamig ng mga tumutulong butil ngulan.Buhos na buhos sa tigang na lupa. At ang langgam ay basang-basa. Ngayon lang ako nakakita ng langgam na huli sa balita.
Parang PAG-ASA.

Umuulan na naman. Kaya kumot lang ang kapiling ko. Pero ang lamig ay kay init sa kaluluwa.
Gusto kong bumangon at simulan ang pag inom ng aking paborito. Ang walang katulad na gatas. Pero umuulan, kaya wala. Walang magawa.

Tumutulo ang kisame...

3.03.2011

DIVIDED PHILIPPINES (part II)

Pag usapan naman natin ang DOUBLE STANDARD dito sa atin. Ang sinasabi ko ay ang sistema dito ng hustisya. Kapag ikaw ang biktima at mayaman ka, mabilis pa sa alas kwatro, may task force at special committee na buuuin ang gobyerno para sayo. At kung mahirap ka, maghintay ka kung may libreng husgado at abogado na hahawak sa kaso mo. Wait for a moment -- mga 10 years. Tulad sa Maguindanao case, umabot pa ng 3 days bago maposasan ang prime suspect na si Mayor Andal Ampatuan. Swabe.


At kung ikaw ay suspect sa isang krimen, may kasalanan ka man o wala, agad kang ikukulong at maghihintay kung kailan ang hearing mo. At kung mayaman ka, yung selda mo may colored TV. Dala-dalawa pa ang abogado mo. At kapag nagkasakit ka, at kung mahirap ka, bahala ka sa buhay mo, mamamatay ka sa likod ng rehas. Kung mayaman ka, matusok ka lang ng fishbone, itatakbo ka agad sa clinic. Hihilingin pa ng abogado mo na ilipat ka ng selda. Yung may aircon. Swabe.

PHILIPPINES -- hango sa pangalan ng hari ng mananakop na Espanya. Haring PHILIP. Pangalan pa lang alipin na. Ok lang naman na yun ang ngalan ng bansa natin pero ang masakit, pinapatunayan pa natin ito. Alipin ka Pilipino. Alipin ng sarili mong pag unawa. Sarado at walang laya.

Masakit man pero yan ang katotohanan. Alam natin ang totoo pero wala tayong ginagawa para baguhin ito. Ito ang sakit nating mga Pilipino na kailanman wala nang lunas. May mata naman tayo pero bulag tayo.

DIVIDED PHILIPPINES (part I)

Ilang beses na ba tayo tinapakan? Ilang ulit na ba tayo niragasa at pinaluhod? Oo nga at nagkaisa tayo nung kasagsagan ng martial law. Pero tapos nun, wala na. Nagkawatak watak uli tayo nung panahon ni Pres. Erap. At ang kapal ng mukha natin na tawagin ang EDSA DOS at EDSA TRES na people power(s)... Na Kung tutuusin ang mga nasa likod ng dalawang pag aklas ay mga buwayang uhaw sa kapangyarihan. Di tulad ng EDSA 1 na may iisang adhikain.


Madalas pulitika ang ugat ng mga karahasan dito sa Pilipinas. Tulad na lamang ng Ampatuan Maguindanao Massacre na resulta ng kabobohan ng mga Ampatuan sa Mindanao. Na hinayaan ni Gloria Arroyo na magkaroon ng private army. At hindi rin naman dito exempted ang mga Mangudadatu. At sa palagay ko, di man ito tumugma sa pananaw mo kaibigan, wala na talagang pagkakaisa dito sa atin.

Isipin mo na lang -- sa gobyerno natin, may tinatawag na Pro Administration at Oppositions. Doon pa lang ay wala nang unity. Dahil ang bawat salita ng mga taga Pro ay kakalabanin ng mga Opposition. At vice versa. Kaya wala tayong nabubuong pagsulong. At may political parties pa na kung saan ang mga pulitiko ay may loyalty pa kaysa loyalty sa masang Pilipino. At ang mga magnanakaw dito sa atin ay kinakabitan pa ng HONORABLE sa pangalan.

At kung iisipin mo, ang pulitiko sa pagdating ng eleksyon, laging bukambibig ang PUBLIC SERVICE. Pero pag naupo na ay parang hari. Tulad na lang sa nangyaring meeting ng Sangguniang Panlunsod dito sa Iloilo city. May isang Board Member na nagreklamo. Sabi nya, bakit daw siya kinokontra ng mga constituents niya gayong marami siyang projects at natulungan. Sa pagkakataong iyon, isang member din ang tumayo at sabi, bakit siya nagrereklamo eh ‘yan nga ang trabaho nya- Public service. Bakit siya naghihintay ng kapalit? Bobo di ba? Simple lang naman eh-- Political will. Kung wala ka nun, wag ka na lang tumakbo sa pulitika. Magiging pasanin ka lang.

Pero hindi lang naman sa pulitika ang mga lamat kung bakit walang unity dito sa atin. Sa ating pagiging mamamayan meron din. Sa kabataan, lalo na. Tulad na lang sa music genre. Musika- di ba dapat isa itong libangan? Pero bakit nagiging gatilyo ito para pumutok at umapoy ang bawat damdamin natin? RAKISTA ka, HIPHOP ka. Dyan ka lang, dito ako. Dahil sa genre ay nag aaway tayo. Lagi natin pinagtatalunan kung sino ang astig. Di ba mababaw?

At kahit sa TV lang, may network war din. KAPUSO at KAPAMILYA. EAT BULAGA at WOWOWEE. MARIAN RIVERA at ANGEL LOCSIN. Ang babaw. Ok lang naman na may paborito tayo. Pero kung ito ang magiging mitsa para yurakan natin ang kapwa natin, wag na lang. Tumalon ka na lang sa apoy. Pati nga sa movie industry may kabuktutan din. Yung mga pelikula sa hollywood ginagaya natin dito. Wala tayong matatawag na originality. Meron naman tayo nun ‘di ba? Kulang lang sa pansin at pag-iisip.

At sa palagay ko, ang mas malala ay ang RELIHIYON. Muslim. Kristiyano. Nagkakamatayan. Nagkakasagupaan. Pareho pareho naman tayong Pilipino. Kapwa mo Pinoy tinatapakan mo. Iisa ang Diyos natin. Yahweh. Allah. Biblia. Kor'an. Wag tayong humusga. Palaganapin natin ang magandang balita. Iisa lang ang langit natin. Pag usapan natin ang kapayapaan.

At sa loob ng KRISTIYANISMO. Lumalagablab din ang apoy. Ewan ko ba kung bakit sinisiraan ng mga Protestante, INC, at ibang sekta ang Katoliko. Ano ba ang masama sa Katolisismo? Kaligtasan ang usapan pero sa isipan mo ay karahasan. Bakit di ka makinig para ikaw din ay mapakinggan? Subukan naman natin pagtulung-tulungan.