Minsan naging Makata si Mr. G
[Mga Quotes na Tinipon Mula sa Facebook Part 2]
Kung hindi na-define ni Isaac Newton ang
tungkol sa gravity, wala sana ngayong nahuhulog sa love na 'yan. Pero
ang totoo hindi niya ito na-define ng husto. Naniwala lang siya sa isang
apple.
Wala naman akong problema, maliban sa pagmumukha ko. Pero hindi ko naman pinuproblema talaga 'to kasi wala naman 'tong solusyon.
Hindi mo kailangan sumigaw para marinig. Kailangan lang na ang mga salitang bibitiwan mo ay makabuluhan at totoo.
Be yourself. Just be yourself. But it doesn't
mean that you can bash everyone and tell them you are just being
yourself. Do not be stupid. No person was born bad. We are made in
goodness. So being yourself is being good. It is the coolest thing to
do.
The society may judge you but it can't get into you deeper. It can't hurt you. Just be yourself.
Hindi ka naman fishball, ang tagal nang panahon ang nagdaan, di ka pa rin nagmamahal.
Itinatanong mo sa sarili mo kung bakit sinabi
niya noong mahal na mahal ka niya pero nang magbreak kayo, ilang araw
lang may kapalit ka na. Galit na galit ka at tinatawag mo siya ngayong
sinungaling. Pero hindi mo ba naisip... ganoon kabilis dahil naghanap
ang puso niya ng pagmamahal na pupuno nito? Ang pagpapahalagang minsan
ay sinayang mo.
Minsan kailangan mong tanggapin sa sarili mong wala ka ng magagawa kundi ang pakawalan siya.
Kailangan mo pa bang bilangin ang mga daliri
sa mga kamay mo para malaman na kaya nitong gumawa ng isang bagay na
kayang magpabago sa kaguluhang nangyayari sa buhay mo?
Mahal ka niya. Ang kaso, hindi lang niya matanggap na sa dinami-dami ng gwapo sa mundo ikaw pa ang nakahuli sa puso niya.
"Ewan ko kung tanga ka lang o martir. O baka naman manhid ka. Alam mong masakit pero ayaw mo pang bumitaw."
"Habang nagsasaya sila, ikaw naman sige lang
sa drama. Di mo alam, wala silang pakialam. Kasi nang iniwan ka niya
para sa iba, yon ang araw na ang isang kagaguhan ay naging tama."
May mga bagay sa mundo na kailangan nating tanggapin, maramdaman at pakawalan. Kahit sobrang sakit.
May mga taong pumapasok at umaalis sa buhay natin. Ang katotohanang ito
ay kailanman hindi na magbabago. Kahit ano man ang gawin natin, di ito
mapipigilan.
Masakit, dahil kung sino pa ang gusto mong
manatili sa buhay mo, sila pa mismo ang mananakit sayo sa pamamagitan ng
kanilang paglayo. Babalik kayo sa pagiging estranghero sa isa't isa.
Oo, walang permanente sa mundo, kaya kailangan sakyan ang trip nito.
"Democracy is like pointing a gun on one's
head, and when you pull the trigger, it ends there. You never deserve
such privilege."
"Mas mahirap pa sa nursing board exam ang
piliting maging masaya ka para sa bestfriend mo... lalo na at sa iisang
babae lang din nakalaan ang mga puso niyo."
"In a work that involves many, you have to
consider only two things when the going gets tough... it's either you
can be of help or get out of others' way."
"Aminin mo man o hindi, mas totoo kung
magmahal ang mga lalake kumpara sa mga babae. Ang mga babae sasabihin
niyan, 'lalake lang yan, marami pa dyan.' Pero ang lalake, sabi, 'tang
ina pre, marami ngang nakakahigit sa kanya, wala akong pakialam. Siya
lang ang buhay ko at hindi kung sino pa.'"
"Minsan okay lang maging plastic... 'yong
tipong kailangan mong magpanggap na okay ka lang habang nandyan siya,
pero deep inside patay na patay ka nang makausap siya."
"Kung may mahal ng iba ang mahal mo, pakawalan
mo na... walang mangyayari sayo kung ipipilit mo ang sarili mo. Alam mo
naman na wala ka nang bala, tira ka pa rin ng tira."
"Kahit ilang advice pa ang ibigay ng mga tao sa paligid mo kung sadyang matigas ang ulo mo, hindi ka matututo."
"Easy lang sa pagmamahal, kahit ang pinakamasarap na fruit salad kapag sobra sa tamis nakakaumay din."
"Kung ano ang effort mo para lang mapili ang
pinakamaganda, pinaka-cute at kapuri-puring mukha mo para lang gawing
profile pic sa facebook mo, sana ganoon din ang effort mo para maging
pinakamaganda, pinaka-cute at kapuri-puri ang ugali mo."
" Masakit ang mabigo, paasahin, lokohin,
gawing tanga o paglaruan... o mas malala maging dakilang extra at
panakip butas, pero mas masakit kung papayagan mo pa ito sa pangalawang
ulit.
Parang sugat na hinayaan mo lang na hindi nagagamot. May
lunas naman pero mas pinili mong magpabaya at panindigan ang pagiging
miserable."