SALAMIN: A PHYSICAL WORLD
Kaya nga naimbento ang salamin para makita mo ang katotohanan.
Totoo, mas mahalaga pa rin ang ugali at karakter ng isang tao. Pero
aminin mo man o hindi napakahalagang sangkap ang personalidad o ang
nakikita ng mga mata--ang mukha mo.
We are living in a physical
world. Lahat ng nakikita ng mga mata mo ay nagiging katotohanan mo. Ito
ang bubuo sa mundo mo. Ito ang aangkin sa pagkatao mo. Huhulmahin ng
nakikita mo ang magiging takbo ng utak mo. Huhubugin nito ang pananaw
mo.
Wag kang plastik. Wag kang ipokrito. Aminin mo,
hinuhusgahan mo ang tao batay sa kung ano ang nakikita mo sa kanya.
Nawawalan ka ng gana kapag kamukha ni hunchback of Notre Dame ang
kaharap mo at bumabait ka kapag kamukha ni Marian Rivera o Sam Pinto o
Brad Pitt o Dingdong Dantes, o ako, ang nasa harap mo. (wag mong isiping
joke lang ang huli. Grabe ka.)
Pagdating sa usapang bf/gf, di
maiwasang ang kagandahang pisikal ang pinaka-factor kung bakit tayo
naa-attract. Wag mong sabihing dahil 'yon sa siya ay tumutulong sa
matandang dumaraan sa kalsada, na hindi ko maintindihan kung bakit iyon
ang batayan ng kabutihan eh No Jaywalking d'yan.
Ang
paniniwalang "Character is better than a pretty face..." --(meron ba
nito?)--ay isang mahabang proseso. Oo, tama, korek! Mas mahalaga pa rin
ang attitude kaysa sa looks. Pero kung iisipin mo, hindi naman pwedeng
kapag nagkasalubong tayo sa daan ay papansinin kita kahit na kamukha mo
ang arroz caldo na tinda ni aling bebang diyan sa may kanto.
Hindi
ko sinasabing ito ang dapat. Mali ito talaga. Pero tanggapin mo man o
hindi, ito ang sistemang patuloy mong niyayakap. Hindi dahil sa wala
kang magawa o wala kang choice, kundi dahil ikaw mismo ganito mo
pinapatakbo ang mundo. Ganito mo pinipinta ang larawan ng tinutuntungan mo. Ganito mo isinusulat ang kwento mo. Ito ang gusto mong ending sa storya mo.
Ito ang gusto mo.
Kung
bibigyan kita ng regalo sa birthday mo, gugustuhin mo ba ang cellphone
na wasak ang keypad ang matatanggap mo mula sa akin? O baka talikuran mo
lang ako dahil gusto mo Galaxy Note? (Ambisyoso ka. Bigwasan kita d'yan
eh!)
Hindi 'di ba?
Normal
lang 'yan. Natural. Dahil ipinanganak kang may isip na bumbalanse ng
pagkatao mo. Hindi mo sinasadya ang maging ganoon, (pero may mga tao
talagang ang sarap gilitan sa windpipe kung makapanghusga!) dahil
matalino ka. Binigyan ka ng utak para malaman ang pagkakaiba ng pula sa
puti, ang kulangot sa pasas, ang katawang pang fhm sa pang-fiesta, o ang
heartshape na face sa mukhang ruler.
Tinitimbang
mo ang taong gusto mong papasukin o hindi sa buhay mo. Ikaw,
magtitiwala ka ba sa mukhang kahawig ni Gollum o sa kamukha namin ni
Edward Cullen?
Walang
masama sa pagtingin sa pisikal na katangian ng isang tao. Ang mali ay
gawing batayan ito kung dapat bang bigyan mo ng respeto o itatakwil mo.
Hindi tinitimbang ang tao sa pamamagitan ng anyo nito, tinitimbang ito
sa bigat ng kakayahan ng puso nitong maging mabuting nilalang.
Huwag
kang manghusga sa pagmumukha. Dahil kadalasan, sa likod ng mala-anghel
na personalidad, nakatago ang mabangis na halimaw na nanlalapa.
No comments:
Post a Comment
Say something
Note: Only a member of this blog may post a comment.