4.16.2010

Paalam Na

Samu't saring tanong, lulan ng isip ko
Paano ba kakayanin ang isang pagkabigo?
Sukdulan pigilan ang alon sa dalampasigan
Upang muli ang mga alaala mo ay mahagkan.

Hindi ko alam kung paano magwawakas
Kung ang pighati ba ay may lunas?
Mistulang isang napakasamang panaginip
Iginapos mo sa iyong mapagkanulong halik.

Mga pangarap ko'y biglang naglaho
Nahulog sa patibong ng isang pangako
Anuman ang gawin ay 'di ko mawari
Namulat na lamang sa lason ng iyong ngiti.

Ito na ang aking paalam
Kung kaya kong lumimot ay hindi ko alam;
Landas ay tatahakin palayo sa'yo
Aking hihilumin ang sugat na iniwan mo.

No comments:

Post a Comment

Say something

Note: Only a member of this blog may post a comment.