Sa pag-ihip ng hangin
Nagsilagasan ang mga dahon
Tulad ng isang pamamaalam
Magiging lamat ng kahapon.
Bawat hakbang palayo
Tumatarak sa aking puso
Tulad mo ay ang paglubog ng araw
Magdidilim ang mundo.
May lunas pa ba?
Ah, sadyang wala na,
Paalam na nga ito
Landas natin ay hindi na magtatagpo.
No comments:
Post a Comment
Say something
Note: Only a member of this blog may post a comment.